Buti nalang malapit na matapos ang lock-in period ko almost 2 years ko na rin tinatangkilik ang depektibo sebisyo ng wi-tribe. Pag kailangan ko ng mabilis na koneksyon wala ako magamit. Merun pa sila pakulo na ang 1mbps speed na koneksyon ko ay ginawa nila 2mbps. OO nga naging 2mbps pero masmadalas parin na hindi 2mbps ang nakukuha ko speed. Ayoko na rin mag aksaya ng oras para tumawag ng depektibo customer service center nila, dahil nung huli ako tumawag hindi naman nila na solusyunan ang problema.. Ang napansin ko lang kung gusto ko ng mabilis na koneksyon eh kailangan ko gumising ng Madaling araw at kung kailan na kakaunti ang gumagamit ng internet. Hindi naman lahat bad experience ang inabot ko sa wi-tribe dahil kung wala ako koneksyon hindi ko ito mailalagay sa blog Pero sana naman maging patas sila. Ako nagbabayad ng tama dapat lang na ibigay nila ang nararapat sa akin. At ngayon malapit na matapos ang lock-in period ko Puputulin ko na rin ang koneksyon ko sa kanila.. Sa mga iba pang makakabasa nito Mag- ingat kayo sa wi-tribe mag dalawang isip kayo bago nyo kunin ang serbisyo nila para di kayo makaranas ng pagka inis, yamot, asar at galit. Kaya naman ang wi-tribe walang wenta manloloko kayo..
Thursday, 5 April 2012
Sunday, 1 April 2012
Bohemian Rhapsody
Habang kumakain kami ng hapunan nilipat ng aking maybahay ang istasyon ng telebisyon nag kataon ang pinili nya ay isang programa na kantahan. Hindi ako tumitingin sa telebisyon at pinakikinggan ko lang ang programa. Ang punong abala ng programa ay isang kilalang manganganta na nagtatag narin ng kanyang reputasyon sa larangan ng pagkanta at pagaarte, at kasama nya ang isang bisitang sikat na manganganta rin na kilala dahil siya ay inampon ng isang sikat ng banyagang banda na sumikat nung dekada 70. Magkasama nilang kinanta ang Bohemian Rhapsody ng kilalang banda Queen. Bata palang ako madalas ko na napapakinggan ang Queen sa stereo ng lola ko at madalas ito patugtugin ng aking mga pinsan, kapatid at tiyuhin kaya merun na ako basehan kung gaano kaganda ito. At ang detalyadong paliwanag ng kantang ito ay nandito : 100 karat
Hindi ako makapaniwala at nangingiti sa isipan at merun kasamang asar dahil sa aking narinig. Hindi kaya dahil abril ngayon kaya panahon ng lokohan? Ang kanilang pagkakaganap ay malasado at hanggang sa natapos at ito ay napanis. Sa madaling salita ang ginawa nila ay walang hustisya. Hindi ako nakapagtapos bilang isang doktor sa musica, hindi rin ako isang bantog na manganganta pero ang masasabi ko lang mahilig ako makinig ng ibat ibang kategorya ng musika. Sa mga oras na yon kahit man gusto ko ilipat ang istasyon hindi ko magawa bilang respeto sa may hawak ng remote control kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na barilin at lamunin ng isang walang kwentang programa. Nagmadali nalang ako kumain at umakyat sa aking silid isinuot ko ang aking headphone at hinanap ang Queen sa aking digital player at pinakinggan muli. Ang nasabi ko nalang ay Hay Ginhawa.
Friday, 23 March 2012
Tapos na ang Summer
Merun mga karanasan sa buhay ko na gusto ko lagi ginugunita. At merun din mga bagay na di mo inaasahan, gaya ng Pagkakataon, Amuy, Lasa, Musika, Lugar at iba pa na nagbabalik sa aking mga ala-ala at isa na dito ang Tag-araw. Pag ganito ang panahon bumabalik sa isipan ko ang Masarap na Ice Candy na gustong-gusto ko lantakan lalo na't pag pawisan kakalaro at pawisan dahil sa init ng tag araw.
Si Aling Fausta o minsan ang tawag ko sa kanya ay Aleng Usta ay matagal na naming kapit bahay, at sya ang may ari ng sari-sari store sa tapat ng bahay namin. Hindi pa ako sinisilang kapit bahay na namin sya. Ang tindahan ni Aling Fausta ay halos katapat lang din ng tindahan ng Lola ko, si Thomasa at mag kaibigan sila. Madalas ko sila nakikita nagkukwentuhan araw araw tungkol sa maraming bagay at minsan usapang Simbahan, lalo na pag umaga at magbubukas palang sila ng tindahan magwawalis-walis muna sila ng tapat ng bahay. Ang mga anak at apo ni Aling Usta ay kaibigan din ng mga kamag-anak ko.
Ang tindahan ni Aleng Usta ay Gawa sa semento at kahoy. Ang parihaba na saraduhan nito na tumatakip sa harapan ay pintorado ng kupas na kulay luntian at ito ay markado ng numero para di magkapalit palit ang mga kahoy. At mag mula sa kalsadang lupa merun tatlong malalaking baitang ng hagdan papunta sa harap ng kanyang tindahan. Sing Lapad ng tindahan nya ang isa't kalahating dipa ng isang matandang tao. At sa dalawang gilid nito ay merun upuan na yari sa concreto din. At sa gilid naman nito ay merun gapangan ng sampaguita na madalas na humahalimuyak. At dito sa mga sementong upuan na ito, dito kami naglalagi pag merun kwentuhan o minsan hintayan ng mga barkada.
Minsan pag nakaistambay lang sa harap ng tindahan di ko maiaalis sa sarili ko na magshopping ang aking paningin sa nilalaman ng tindahan lalo na't naghihintay sa mga kaibigan. Sari sari ang makikita sa loob ng tindahan ni Aling Usta kaya tinawag din ito sari sari store. Merun candy, mang kepweng, pompoms, marie biscuit, kropek, tira-tira, plastic balloon,tootsieroll, butung pakawan, shok tong, belekoy, paminta, sundot kulangot, alhambra, haw-haw flakes, nuggat, softdrinks, bond paper, suka, toyo, patis,art paper, ballpen, listahan ng utang,bazooka bubble gum, anejo ruhm65, sardinas, at iba pa at syempre di mawawala ang Ice candy.
Sa Halagang Uno Singkwenta merun ka na masarap, malinam-nam na Ice banana para pang alis ng iyong bagot at Init. Hindi sa lahat ng panahon merun tinda ganito si Aling Usta. Kadalasan ang Ice banana nya ay lumalabas lamang tuwing sa panahon ng tag-araw. Ito ay limited offer lang at kadalasan ito ay sold out. Kaya dapat maagap sa pagbibili At kadalasan pag wala sa tiempo ang pagtatanong ko na kung merun na sya tinda na ice candy, minsan aabutan ko malambot pa, minsan niluluto palang ang saging, minsan ubus na. Kaya maswerte na pag merun ka inabutan at kung wala naman mag tiyaga nalang sa regular na ice candy. At ang regular ice candy ay nagkakahalaga lamang ng 50cents at ito ay payat di tulad ng ice banana mataba sing bilog ng pinaka malaking batterya ng eveready at sing taas naman ng malaking lata ng alaska evaporada. Ang regular na ice candy ay mabibili lamang sa lasa ng orange, ubas, pinya at minsan pag spesyal naman ice buko sa halagang 75cents. Pero iba parin ang Ice banana, wala ito titulo na special gaya ng ice buko pero para sa akin ito ay espesyal. Espesyal dahil sa paraan palang ng pagluluto nito ay may karagdagan na sikap.
Wala naman formal na pagsasalin sa akin ng kaalaman tungkol sa pagluluto at pag-gawa ng ice banana. Dahil matanong lang ako, ang ginawa ko ay pinagtahi-tahi ko nalang kung paano ito ginawa at di naman pala ganung kahirap. Pero mas matagal ang paghahanda kung ikumpara sa ordinaryo ice candy. Tulad nalang ng pag babalat ng saging na saba at hihiwain pa ito sa apat na parihaba, pakukuluaan sa arnibal na may pandan, lagyan ng vanilla para mabango, ihahalo sa pinakuluan sago at palalamigin at timplahin na parang juice. Pagkatapos tatakalin para isalin ito sa plastic, yun na! Pwede na balutin at patigasin sa freezer.
Patok na patok talaga ang ice candy ni Aling Usta mapa bata o matanda at hindi sya mauubusan ng mamimili dahil sa kalye palang namin namumulaklak na ng mga bata. Hindi lang basta batang kalye ito, sila yung tipo na may kwintas na libag sa leeg o naka-kwintas na tirador.At paborito dapuaan ng langaw dahil amuy araw at minsan di mag kapareho ang tsinelas ang sa kaliwang paa ay rambo at sa kanan paa naman ay spartan na butas ang sakong. Kadalasan merun sila sugat sa tuhod dahil madalas madapa sa takbuhan at minsan naman pawis ang ilong na may kasama sipon na walang kapaguran labas masok taas baba kasisinghot. Minsan ang damit ay merun mantsa ng dumi, tagpi at sulsi. Sila ay madalas nag lalaro sa tapat ng tindahan ni Aling Usta at masugid na tumatangkilik sa kanyang paninda.
Lagi masaya sa kalasada namin hindi nauubusan ng pwede laruin ang mga bata andyan ang tumbang preso, patintero na kadalasan ang guhit na pangmarka namin ay tubig estero, syato, habulan, chinese garter, teks, luksong tinik, holen, laban ng gagamba, trumpo, luksong baka, moro moro at piko. At pag sapit naman ng dilim pag katapos mag hapunan maglalabasan na ang mga bata sa kalsada para magtaguan. Hindi parin natatapos dito ang pwede pag libangan dahil kung lahat man ng nabanggit ko ay nalaro na, marami parin pwede paglibangan dahil sa kalapit bakuran na bakanteng lote ay merun mga nakatanim na malalaking puno ng kaimito at mangga at sa harap naman ng bahay namin merun malaking puno ng aratilis at langka at minsan madidinig nalang ang hiyaw ng lola ko para sambitin ang mga katagang "Bumaba kayo dyan at baka mahulog kayo, marupok ang sanga na yan!".. Eh Sinong bata naaman ang gusto mag pasaway. Kaya imbes na matigil ang pamimitas ng bunga lilipat nalang sila sa malapit na eskwelahan at doon ito matatagpuan sa dulo ng kalsada namin at duon din matatagpuan ang masmalalaking puno at mas marami at sarisari mga bunga tulad ng makopa,kasoy, bayabas, santol, sampalok, duhat at marami pa iba. Pero bago mo marating ito kailangan muna umakyat sa pader na maytaas na 6talampakan at gawa sa adobe na kulay lumot at merun kinakalawang na alambre na patusok na tila nag bibigay ng babala na Bawal pumasok.
Sa pag lipas ng panahon napaka laki narin ng pinagbago ng lugar namin. Merun mga residente tumanda na at nagkapamilya. At ang mga kalaro ko na nangungupahan lang ay lumipat na ng tirahan. Ang Minsan putikan at mabato na kalsada namin ay ngayon sementado na. Binago na din ng panahon ang ugali ng mga tao. Wala ng malaking puno sa tapat ng bahay namin na pwede silungan at akayatin. Wala ng tutubi Gagamba, mariposa at tipaklong na pwede paglaruan. Wala ng mga batang pawisan na naglalaro sa kalsada na tatangkilik sa paninda ni Aling Usta. Nilipasan na ng panahon ang saradong tindahan ni Aling Fausta ang karatulang Ice Candy for sale ay di mo na rin makikita. Wala na din ang magkaibigan na nagwawalis sa harapan ng tindahan tuwing umaga.Ngayon matatapos na naman ang tag init subalit ang ala ala ng ice candy ay nandyan lang at di mawawaglit.

Wednesday, 21 March 2012
Poor mans summer vacation
As of the moment painting of vacation idea is the only thing that I can afford to do. Maybe it's just a matter time for my mind get conditioned or having used to this vacation mode feeling. Sana ito ay normal na pakiramdam na pwede lumipas din sa pagdaan ng panahon.. Pero masarap kung iisipin na bakasyon palagi.. Pero bakit di natin baligtarin. Paano nga kung puro bakasyon nalang? Kung merun nga ganito. Di naman kaya ang itatanong ko naman ay Puro bakasyon nalang eh kelan naman kaya ako pwede magtrabaho? Merun famoso manunulat na nakapagsabi na Pag nahanap mo na ang trabaho pinaka gusto mo gawin, hindi mo na iintindihin ang bakasyon dahil araw araw ay bakasyon na. Sino ba ang nag sabi nito? Well eh kung sa isang napakagandang beach resort ako nagtatrabaho at kasama ko pamilya ko siguro pwede pa..
Merun nga ako nabasa isang artikulo na nag hahanap ang isang resort na trabahador na pwedeng tauhan ang isang resort nila na nasa gitna ng karagatan at ito ay napapaligiran ng reef. Ang hinahanap nila ay maasikaso, magaling makisalamuha, magaling makipagcommunicate at maalam sa katangian ng lugar. Naisip ko naman parang pwede ako sa ganito trabaho at sa tingin ko parang madali lang ito.. Pero! Sabi din na buwanan lang pwede umuwi at walang kahalili. Never mind..
Teka lang isasakatuparan ko muna ang aking bakasyon sa pamamagitan ng pag pinta muli.

Tuesday, 20 March 2012
summer summer
Sa lahat ng klase ng panahon ang pinaka gusto ko ay Tag-araw it brings back na napaka dami ala ala. Parang lagi bakasyon ang pakiramdam kahit na merun pasok sa trabaho o nasa bahay lang. Totoo mainit at minsan malagkit sa balat at pawis na pawis pero alam ko maya maya lang hahangin din at presko na ulit. Pag tag-araw lagi ko naiisip na nasa tabi ako ng karagatan na halos walang tao, naka higa sa duyan na nakasabit sa dalawang puno ng buko at ang katawan ko namamahinga ay natatabingan ng anino ng puno na nasisinagan ng tirik na araw. At madidinig ang huni ng karagatan, alon na dahan dahan nilalaro ang gintong buhangin sa pam pang.
Sana araw araw ay bakasyon.
Sana araw araw ay bakasyon.
Tuesday, 13 March 2012
Wishing you all the best Oil pastel
Noong unang panahon ng mga unggoy nung 9 years ago bumili ako ng oil pastel sa kadahilanan gusto ko maglibang sa mga oras na wala ako ginagawa sa boarding house na tinutuluyan ko sa Laguna. Matagal ko na binabalak na magpinta kahit na wala ako pormal na pagaaral sa pagpinta at ngayon nasubukan ko na magpinta. At medyo natutuwa naman ako sa resulta na mga nasimulan ko na. Lahat ito ay hindi kathang isip ang mga ito ay kinopya ko lang sa aking mga clippings.
Gusto ko maging isang bihasang pintor at sa tingin ko hindi pa huli ang lahat pero I have the tendency to dwell on my past, Sayang! sana marami na ako na-ipinta na maipagmamalaki ko.
Napansin ko tumigas na at medyo malutong na ang oil pastel na ginagamit ko dahil sa katagalan ng panahon.
Gusto ko tuloy tuloy na ito.. At I'm dreaming na magkaroon ako ng exhibit.
Tuesday, 21 February 2012
Tunay ka.
Kayo lang ang maasahan ko sa oras ng kalungkutan . Hindi kayo namimili ng oras at panahon para humarap at makiramay. Kayo na ang pinakamabisa na magbigay ng ligaya. Hindi naghahanap ng kapalit at walang baluktot na hangarin. Salamat sa pagtugon sa mga sandali aking hinihingi..
Sunday, 19 February 2012
Sana magbukas na ang Bintana at Pinto.
Itong mga nakalipas na linggo lagi ko naiisap ang pagbabalik muli sa pagaaral. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ang pakiramdam na ito ay matutupad muli. Ang tanong ay kailan? Sa ngayon hindi ko ito masasagot at ngayon ay ayaw ko pakawalan ang ganitong pakiramdam. Dahil ito ay nagbibigay sa akin ng pagaasa at masayang pakiramdam..
Mga tanong na naglalaro sa isipan ko
-Nararapat ba ganito kurso ang kunin ko?
-Kakayanin ko kaya maisingit ito sa aking pangaraw-araw na takbo ng buhay?
-Merun ba ako kakayahan sapatan ang pang pinansyal na aspeto nito?
-Kung matapos ko man ang kursong nasasaisip ko, Makakatulong ba ito
para kinabukasan namin?
Sa Ngayon pilitin ko man sagutin ang mga katanungan ito iisa lang ang sagot ko. Maghihintay nalang muna ako sa tamang panahon at pagkakataon.. At lagi parin ako aasa at gagawa ng paraan para lahat ito ay maging isang realidad.
Subscribe to:
Posts (Atom)