Thursday, 5 April 2012

WWW (wi-tribe, walang, wenta)



Buti nalang malapit na matapos ang lock-in  period ko almost 2 years ko na rin tinatangkilik ang  depektibo sebisyo ng wi-tribe. Pag kailangan ko ng mabilis na koneksyon wala ako magamit. Merun pa sila pakulo na ang 1mbps speed na koneksyon ko ay ginawa nila 2mbps.  OO nga naging 2mbps pero masmadalas parin na hindi 2mbps ang nakukuha ko speed. Ayoko na rin mag aksaya ng oras para tumawag ng depektibo customer service center nila, dahil nung huli ako tumawag hindi naman nila na solusyunan ang problema.. Ang napansin ko lang kung gusto ko ng mabilis na koneksyon eh kailangan ko gumising ng Madaling araw at kung kailan na kakaunti ang gumagamit ng internet.  Hindi naman lahat bad experience ang inabot ko sa wi-tribe  dahil kung wala ako koneksyon hindi ko ito mailalagay sa blog Pero sana naman maging patas sila. Ako nagbabayad ng tama dapat lang na ibigay nila ang nararapat sa akin.  At ngayon malapit na matapos ang lock-in period ko  Puputulin ko na rin ang koneksyon ko sa kanila..  Sa mga iba pang makakabasa nito Mag- ingat kayo sa wi-tribe  mag dalawang isip kayo bago nyo kunin ang serbisyo nila  para di kayo makaranas ng pagka inis, yamot, asar at galit. Kaya naman ang wi-tribe walang wenta manloloko kayo..

Sunday, 1 April 2012

Bohemian Rhapsody



Habang kumakain kami ng hapunan nilipat ng aking maybahay ang istasyon ng telebisyon nag kataon ang pinili nya ay isang programa na kantahan. Hindi ako tumitingin sa telebisyon at pinakikinggan ko lang ang programa.  Ang punong abala ng programa ay isang kilalang manganganta na nagtatag narin ng kanyang reputasyon sa larangan ng pagkanta at pagaarte, at kasama nya ang isang bisitang sikat na  manganganta rin na kilala dahil siya ay inampon ng isang sikat ng banyagang banda na sumikat nung dekada 70. Magkasama nilang kinanta  ang Bohemian Rhapsody ng kilalang banda Queen.  Bata palang ako madalas ko na napapakinggan ang Queen sa stereo ng lola ko at madalas ito patugtugin ng aking mga pinsan, kapatid at tiyuhin kaya merun na ako basehan kung gaano kaganda ito. At ang detalyadong paliwanag ng kantang ito ay nandito : 100 karat

Hindi ako makapaniwala at nangingiti sa isipan at merun kasamang asar dahil sa aking narinig.  Hindi kaya dahil abril ngayon kaya panahon ng lokohan?  Ang  kanilang pagkakaganap ay malasado at hanggang sa natapos at ito ay napanis. Sa madaling salita ang ginawa nila ay walang hustisya. Hindi ako nakapagtapos bilang isang doktor sa musica, hindi rin ako isang bantog na manganganta pero ang masasabi ko lang mahilig ako makinig ng ibat ibang kategorya ng musika. Sa mga oras na yon kahit man gusto ko ilipat ang istasyon hindi ko magawa bilang respeto sa may hawak ng remote control  kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na barilin at lamunin ng isang walang kwentang programa. Nagmadali nalang ako kumain at umakyat sa aking silid isinuot ko ang aking headphone at hinanap ang Queen  sa aking digital player at pinakinggan muli.  Ang nasabi ko nalang ay Hay Ginhawa.